Self-Help Center:  Family Law Return to the Family Law Home page FAQs about Divorce, Dissolution and Custody Cases Family Law Forms Glossary of Family Law Terms Alaska Court System homepage Feedback Form



Home » Batas Pamilya Sentro ng Tulong sa Sarili

Batas Pamilya Sentro ng Tulong sa Sarili

Malugod na pagtanggap sa inyo dito sa Batas Pamilya Sentro ng Tulong sa Sarili, isang libreng pangmalawakang serbisyong pangestado mula sa Hukumang Sistema ng Alaska na tumutulong sa mga taong kumakatawan sa kanilang mga sarili sa mga usapin/kasong nauukol sa batas pampamilya. Maaari kayong makakuha ng mga impormasyon ukol sa mga pamamaraan ng hukuman at pormularyo/ forms para sa mga usapin /kasong nauukol sa batas pampamilya sa websayt na ito o kaya’y tumawag sa linyang tulong ng telepono. Ang impormasyong ito ay makakatulong sa mga tao upang lutasin sa hukuman ang kanilang mga alitan na ukol sa batas pampamilya at sumulong ang kanilang mga usapin/kaso nang mabilis.

Ang Sentro ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa Diborsiyo, Pagbubuwag, Pangangalaga, Pagka-ama, Pagsuporta sa Anak, Karahasang Pantahanan at sanggunian ng impormasyon ukol sa Pag-aampon, Pagpapawalang-bisa, Pagpapalit ng Pangalan, Pagpapalaya, Mga Karapatan ng Lolo o Lola, Legal na Paghihiwalay, Kapangyarihang Gaya ng Abogado at Mga Instruksiyon sa kalusugang Pangangalaga at Taga-pangalaga/Pagsasaalang-alang.

BASAHIN ITO KUNG KAYO AY MAY MGA ANAK!

May batas na nakakaepekto sa pagpapasya ng pangangalaga at pagbibisita kung nagkaroon ng karahasang pantahanan na namagitan sa mga magulang. Sinasabi ng batas na ang magulang na nakagawa ng karahasang pantahanan ay maaaring hindi mag-alaga o bumisita hangga’t hindi niya natutupad ang ilang mga kailangan gaya ng matagumpay na pagtatapos ng interbensiyon para sa nangugulpi o pagpapagamot dahil sa pag-aabuso sa paggamit ng droga.

Malawak ang paliwanag sa karahasang pantahanan sa Batas ng Alaska 18.66.990 (3). Ang batas ay hindi nangangailangan ng Utos Proteksiyon o mga sakdal upang maisagawa ang mga kinakailangan. Ang diborsiyo o pangangalagang hukuman ay maaaring magsagawa ng malayang pagtatanong ukol sa karahasang pantahanan.

Kung sa nakaraan ay nagkaroon ng karahasang pantahanan sa inyong relasyon, kailangan makipag-usap sa isang abogado tungkol sa kung paano ang batas ay makakaepekto sa inyong kaso.

Sino ang maaaring gumamit ng Batas Pamilya Sentro ng Tulong sa Sarili?

Ang lahat ng mga taong naghahanap ng impormasyon tungkol sa batas pampamilya ng Alaska na hindi kinakatawanan ng isang abogado.

Isang Mahalagang Babala

Ang Batas Pamilya Sentro ng Tulong sa Sarili ay hindi nagbibigay ng legal na payo o kaya’y kakatawan sa inyo sa hukuman. Ang mga tauhan ng Sentro ay mga taong may kasanayan at walang kinikilingan, na nagbibigay ng mahalagang legal na impormasyon at mga nakapagtuturong materyales bilang serbisyong pampubliko.

Walang mamagitang relasyong abogado-kliyente sa pagitan ninyo at ng tauhan. Hindi maipapalit ang Sentro sa gawain ng atorni, at hindi ito magpapayo sa inyo ng pamamaraan o ipaaalam sa inyo kung ano ang inyong sasabihin sa hukuman. Kayo ay hinihikayat na hinggin ang mga serbisyo ng isang pribadong abogado para sa legal na payo o pamamaraan.

Ang inyong mga pakikipag-usap sa tauhan ng Sentro ay hindi kompidensiyal at ang tauhan ay maaaring tumulong sa inyong panig at sa kabilang panig.

Ang mga tauhan ng Sentro ay hindi maaaring gumanap para sa kapakanan ng hukuman o sa sinumang hukom. Ang hukom sa inyong usapin ay maaaring humiling sa inyo na palitan ang isang pormularyo/ form o ibigay ang iba. Hindi kailangang ipagkaloob ng hukom ang inyong kahilingan.

Paano ako makakakuha ng tulong sa Batas Pamilya Sentro ng Tulong sa Sarili?

Ang Sentro ay nagbibigay ng mga serbisyo sa 2 pamamaraan:

  1. Sa websayt na kasama ang detalyeng impormasyon at mga pomularyo/ forms para sa bawat hakbang ng usapin.
  2. Isang malawakang pang-estadong libreng tawag sa telepono Helpline na tinauhan ng mga may kasanayan o dalubhasang mga kawani ng hukuman na maaari ninyong makausap ukol sa inyong usapin. Ang Helpline ay laging abalang abala. Hinihikayat namin kayong basahin ang impormasyon sa websayt bago tumawag – ang sagot sa inyong tanong ay maaaring mas madaling mahanap kaysa sa inyong inaakala. Kung mapagpasiyahan ninyo ang tumawag para humingi ng tulong sa pagsagot sa pormularyo/ forms, tiyaking ilimbag/ print out ito at ihanda ang iba pang mga papeles.

Mga Oras ng Linyang Tulong ng Telepono:

Lunes - Huwebes:

7:30 n.u. - 5:00 n.h.

Numero ng Malawakang Pang-estadong Linyang Tulong ng Telepono:

(907) 264-0851

o, kung kailangan ninyo ang libreng tawag at kayo ay tumatawag sa telepono sa Alaska:

(866) 279-0851    (Sa Alaska, ngunit sa labas ng munisipalidad ng Anchorage)

Ang mga kawani ng Sentro ay hindi nakikipagkita sa mga kliyente sa opisina. Kinakausap lamang sila sa telepono

Ano ang mangyayari kung ako ay tatawag?

Kung kayo ay tatawag, ipapaliwanag ng kawani kung ano ang maaari naming gawin at hindi magagawa. Pagkatapos, tatanungin namin kayo ng ilang pangkaraniwang mga tanong upang higit na maunawaan kung ano ang nangyayari sa inyong usapin. Ito ay makakatulong sa amin na ibigay sa inyo ang karapat-dapat na impormasyon ukol sa mga pormularyo/ forms at mga pamamaraan upang matulungan kayong harapin ang inyong usapin. Magbibigay rin ng sangguniang impormasyon ang kawani sa mga legal o hindi legal na mga mapagkukunan ng tulong. Magbibigay ang kawani ng mga kasunod na tulong kung naaangkop.


Rev. 7 November 2018
© Alaska Court System

www.courts.alaska.gov
Contact Us

PDF You'll need to download a free copy of Adobe Acrobat Reader in order to view and print documents with this symbol. If you are using a screen reader, get support and information at the Adobe Access website.